Kati at Sabit

Hindi ka tanga alam ko.
Hindi ka rin bulag
Alam ko dahil nakikita ko.
Hindi ka rin naman bobo
Dahil alam ko, nakapagaral ka.
Pero sa larangan ng pag-ibig, totoo bang may alam ka?

Hindi lingid sa kaalaman mo na sa laro ng pagibig, ito'y pandalawahan lamang.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman mo na itong pinapasok mong gulo ay hindi mo malalampasan.
Masaya ka ba sa ginagawa mo?
Masaya ka ba na may nagaaway na dalawang puso dahil sa mga desisyon mong baluktot?
Magisip ka naman.

Sa buhay ng tao, hindi pwedeng perpekto lang at hindi pwedeng parati kang nasa taas
Pero sa bawat pagkakamali, sa bawat desisyon mo ay dapat natututo ka.
Pero sa puntong ito, may matututunan ka ba?
Idadaan mo ba sa puso o sa isip?
Paano? Kung sa loob talaga ang kati, sa loob talaga nagsisimula ang alab, gigil na makuha mo ang nais?

Naghahanap ka ng taong magmamahal sayo, naghahanap ka ng taong kakalinga, hahaplos, hahalik at maglalaro sa buhok mo tuwing gabi?
Gusto mo ba ng katabi sa bawat pagtulog at pag-gising mo?
Naiintidihan kita. Kasi nararamdaman kita.
Pero mamili ka.

Mamili ka ng taong karapat-dapat sayo, mamili ka ng taong walang dalang sakit ng ulo sayo, mamili ka ng taong mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay
Yung taong kapag narinig mo pa lang ang pangalan e para bang naglalaro lahat ng pakiramdam mo sa iyong dibdib na tila ba sasabog na sa tuwa
Yung taong magpaparamdam sayo ng kakaiba, yung taong alam mong siya lang.
Hindi yung taong may sabit, hindi yung taong may problemang dala, hindi yung taong may sakit ng ulo.
Utang na loob, magising ka sa kahibangan mo!

Hindi sa lahat ng oras e dapat puso ang umiiral, gamitin mo ang isip at itaas ang iyong moralidad.
Huwag kang gumamit ng tao para sa personal at panandaliang kasiyahan
Kasi mali yan. Maling naghahangad sa taong may nagmamayari nang iba.
Kaya halika rito, dito sa tabi ko wag kang magalala.
Ako ang magpupuna ng bawat kulang sa buhay mo.
Gusto mo ng init? Bibigyan kita. Gusto mo may kauntind diin at konting pawis, bibigyan kita.
Sabihin mo, gagawin ko. Tandaan mo, handa akong magpaalipin para sayo.

AKO NA LANG ANG KAKAMOT SA MAKATI MONG KATAWANAKO NA LANG ANG BAHALA SA HAPLOS, SA DAKOT, SA PAWIS, SA DIIN. SAGUTIN MO LANG AKO NG SABUNOT AT UNGOL AT WALANG HANGGANG DAINGIbibigay ko ang sarili ko sa iyo ng buong buo; malaman mong ako'y iyo.Wag kang mandiri dahil ito ang gusto nating dalawa.

Hindi ko kailangan ng seguridadAng gusto ko lang ay ginhawa, katulad ng gusto mo.Mabuti nang malinaw ang usapan, para wala nang pusong masusugatan. Itaas mo ang iyong moralidad. Heto naman ako eh, yung taong pwedeng magmahal sayo. Yung taong magbibigay ng lahat ng hinihiling moIdilat mo lang ang iyong mata, buksan ang iyong puso. Pangako, nandito lang ako. Magaantay sayo


Share:

0 comments

All blog post and pictures are owned by the blogger- Mhow unless otherwise stated. Powered by Blogger.